^

Metro

5 pang Korean plane nag-refuel sa NAIA

-
Lumapag kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport ang 5 Korean C-130 planes na puno ng relief goods para sa Afghanistan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nag-refuel lamang umano at agad namang lumipad patungong Afghanistan ang nasabing mga eroplano at ito ay bahagi lamang ng inialok na suporta ng pamahalaan sa US sa pakikidigma nito laban sa terorismo.

Samantala, kinumpirma naman ng DFA na hindi natuloy ang takdang paglapag kahapon ng limang US C-130 aircraft at anim na F-18 supersonic war planes sa dati nitong base militar sa Clark.

Ang nasabing mga sasakyang panghimpapawid ng US na magmumula sa Kadena, Japan na may lulan na 160 mga miyembro ng tropa ng militar ay nakatakda sanang mag-refuel sa Clark Air Base kahapon subalit biglang naudlot. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

CLARK AIR BASE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KADENA

KOREAN C

LUMAPAG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ROSE TAMAYO

SAMANTALA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with