^

Metro

Anthrax prankster ikakalaboso

-
Isang mabilisang kautusan ang pinagtibay kahapon ng Manila City Council para mapatawan ng kaparusahan ang sinumang mapapatunayang lilikha ng takot sa mga mamamayan sa pamamagitan ng panloloko sa anthrax.

Ang nasabing kautusan ay ipinanukala ni District 1 Councilor Isko Moreno na humikayat sa buong konseho na ipatupad ang istriktong hakbang na pinaiiral sa Amerika laban sa mga anthrax hoakers.

Sinasaad sa panukalang kautusan na lalapatan ng kaukulang multa na aabot mula P2,000 hanggang P5,000 ang sinuman na mapapatunayan at mahuhuli sa aktong lilikha ng pananakot sa pamamagitan ng pekeng anthrax.

Bukod dito, maaari ring makulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon ang sinumang lilikha ng ganitong uri ng kaguluhan.

Hinikayat din ni Moreno ang Manila Health Department na magsagawa ng information campaign upang mabigyan ang mga mamamayan ng kaukulang kaalaman tungkol sa anthrax. ( Ulat ni Andi Garcia)

AMERIKA

ANDI GARCIA

BUKOD

HINIKAYAT

ISANG

MANILA CITY COUNCIL

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MORENO

SINASAAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with