Barangay chairman itinumba
October 19, 2001 | 12:00am
Sa halip na mainit na kape, dalawang mainit at nagbabagang bala ng kalibre .45 ang ipinakain sa isang 60-anyos na chairman buhat sa dalawang hinihinalang hired killers, kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Diosdado Reyes, barangay chairman sa Brgy. 628 Zone 63 sa nasabing lugar.
Ang mga bala ay naglagos sa leeg at noo ng biktima habang kaswal na naglakad lamang ang mga suspect bago sumakay sa isang tricycle patakas mula sa lugar ng krimen.
Ayon kay SPO2 Solomon Bataller, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng umaga nang dumating si Chairman Reyes lulan ng barangay patrol car sa Barangay Hall sa panulukan ng Anonas at Hipodromo St., Sta. Mesa para magkape.
Sinabi pa ng imbestigador na sa gate pa lamang ay nakita na nito ang tatlong kalalakihan sa loob ng barangay hall habang ang isay nasa labas.
Anang pulis, hindi pa nakakapasok si Chairman nang salubungin siya ng bala na tumama sa kanyang leeg kung kayat agad itong bumagsak sa semento.
Nilapitang muli ang biktima ng isa pa sa mga suspect at minsan pang binaril upang tiyaking patay na ito.
Idinagdag ng pulis na hawak na nila ang driver ng tricycle na sinakyan ng mga suspect at sumasailalim ito sa interogasyon.
Ayon naman sa saksing si Teresita Tistado, 44, barangay tanod at stay-in sa barangay hall na dumating ang mga suspect sa barangay hall at nagsabing kukuha lamang sila ng barangay clearance. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest