^

Metro

24 anyos nagpa-abort patay

-
Isang 24-anyos na buntis ang nasawi matapos umanong magpa-abort ito sa isang doktora kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Binawian nang buhay habang ginagamot sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Christina , ng Sta. Ana, Manila.

Samantala, kinilala naman ang suspect na si Dra. Lucila Lim ng Parola St. CAA Compound, Las Piñas City.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 George Gabriel ng Criminal Investigation Division (CID) ng Las Piñas City na dakong alas-5:30 hanggang alas-10:00 kamakalawa ng umaga nagtungo ang biktima sa maternity clinic ni Lim na matatagpuan sa nabanggit na lugar upang magpa-abort. Hindi binanggit sa ulat kung ilang buwan nang buntis ang biktima.

Matapos umanong maisagawa ang abortion, tinawagan ni Christina sa telepono ang kaibigang si Maricel Abalayon upang alalayan at kunin siya sa nasabing clinic.

Agad namang dumating ang kaibigan kasama sina Mary Jane Albueno at Aurora Candelaria na doon ay hiniling sa kanila ng biktima na dalhin na siya sa pagamutan dahil masama ang kanyang pakiramdam dulot ng isinagawang pagpapalaglag.

Nabatid na hinimatay ang biktima kaya’t agad itong dinala sa pagamutan ng tatlong kaibigan.

Gayunman, habang ito ay nilalapatan ng lunas sa ospital ay binawian ito nang buhay.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya gayundin ang paghahanda ng kaso laban sa suspect na doktora. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AURORA CANDELARIA

CHRISTINA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

GEORGE GABRIEL

LAS PI

LORDETH BONILLA

LUCILA LIM

MARICEL ABALAYON

MARY JANE ALBUENO

MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with