^

Metro

Grade 4 pupil nakatakas sa kanyang mga kidnappers

-
Naisahan ng isang 10-anyos na bata ang kanyang mga kidnappers matapos na makatakas ito nang wasakin ang salaming bintana ng bodegang pinagdalhan sa kanya makaraang makatulog ang nagbabantay sa kanya, kamakalawa sa Pasig City.

Dumulog sa himpilan ng pulisya kamakalawa ng gabi ang nakatakas na kidnap victim na nakilalang si Inving Pacheco, grade 4 pupil sa Pasig Catholic School na nasa Barangay Malinao ng nabanggit na lungsod kasama ang kanyang ina na si Vidal, 45, negosyante para iulat ang pangyayari.

Ayon sa ulat, naganap ang pagdukot sa bata dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa habang ito ay nakatayo sa harap ng kanyang paaralan at hinihintay ang kanyang sundo nang biglang hintuan ng isang puting van lulan ang tatlong lalaki pawang nakasuot ng kulay itim na bonnet.

Puwersahang isinakay sa van ang bata.

Binanggit pa ng bata na isang bodega ang pinagdalhan sa kanya na malapit lamang sa lugar na pinagkunan sa kanya.

Isinalaysay pa nito na nagawa niyang makatakas nang makatulog umano ang isa sa mga suspect na nagbabantay sa kanya.

Winasak umano niya ang salamin ng isa mga bintana at saka gumapang papalabas. Isang tricycle driver umano ang kanyang pinara at nagpahatid siya sa kanyang paaralan at doon na niya nakita ang driver ng kanilang pamilya na nag-uwi sa kanya.

Naglunsad naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MALINAO

BINANGGIT

DANILO GARCIA

DUMULOG

INVING PACHECO

ISANG

ISINALAYSAY

PASIG CATHOLIC SCHOOL

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with