Ito naman ang nabatid sa sheriff ni Judge Vivencio Baclig ng Branch 77 matapos na kunin ang mga pag-aari ni Nievera at ng asawa nitong si Carolina upang maiwasang ibenta ng huli ang kanilang pag-aari habang hinihintay ang resolusyon hinggil sa P5 milyon damage suit na isinampa laban dito.
Nagpalabas ng writ of preliminary attachment laban sa mag-asawang Nievera si Baclig batay na rin sa petisyon ng Je-An Supreme Builders & Sales Corp. sa pangunguna ni Marco Antonio Achurra, President/CEO, na ang mga ito ay may utang na P7 milyong halaga ng construction materials.
Ang mga sasakyan na binawi sa mag-asawang Nievera ay kinabibilangan ng puting Jaguar, 4-door Sedan, RJN-333; gray Honda CRV, WRN-111; at Nissan Safari, samantalang ang iba pang gamit ay kinabibilangan naman ng isang unit ng Computerware, tatlong units ng 14 Phillips TV, isang unit ng 21 Phillips TV, 42 piraso ng square table, isang unit ng Yamaha Grand Piano, anim na units na split-type Carrier aircon, isang computer at 222 silya.
Subalit agad din namang nabalik ito sa mag-asawang Nievera matapos na maglagak ng P7.5 milyon bond. (Ulat ni Doris Franche)