4 dayuhang miyembro ng 'Ecstasy Gang' ipapatapon ng BI
October 17, 2001 | 12:00am
Ipinag-utos kahapon ni Bureau of Immigration Commissioner Andrea Domingo ang pagde-deport sa apat na inarestong dayuhang pinaniniwalaang miyembro ng Ecstasy Gang.
Nakilala ang mga nadakip na dayuhan na sina Stewart McDonald, British national at Philip Glass Murphy, Jayson Johnson Jeffrey ay Joseph Vernie Ducat na pawang mga American nationals.
Sinabi ni Domingo na ang mga suspect ay nabigo na makapagpakita ng kanilang travel documents. Si Murphy na bagamat nakapagpakita ng mga papeles ay lumabag din sa Immigration Law dahil sa overstaying.
Magugunitang ang mga nabanggit ay kabilang sa 13 katao na dinakip ng pulisya sa isinagawang operasyon noong nakalipas na linggo sa La Vista Village sa Quezon City. Nasamsam sa mga ito ang mga ecstasy pills.
Niliwanag naman ni Domingo na bagamat magkaroon ng kautusan ang bureau para ma-deport ang mga ito mananatili muna silang nakapiit sa detention cell ng BI hanggat hindi nila nareresolba ang kanilang kaso sa korte.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am