^

Metro

Mag-ate na tulak tiklo

-
Dalawang mag-utol na babae na "tulak" ang dinakip ng mga tauhan ng Makati Drug Enforcement Unit (DEU) dahil sa pagbebenta ng shabu sa Brgy. Sta. Cruz, Makati City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Insp. Gary Reyes, hepe ng Drug Enforcement Unit (DEU), Makati City Police ang dalawang suspect na sina Susan, 32; at Bellen de Jesus, 40, pawang nakatira sa #4305 Montojo St., Brgy. Sta. Cruz.

Ayon kay Insp. Reyes, ang dalawa ay inaresto dakong alas-7:30 ng gabi sa kanilang tahanan makaraang bumili ang isang pulis nito na nagpanggap na buyer.

Tatlong "drug user" na nakilalang sina Cecille Cuenca, 35; Ernesto Garcia, 22; at Rolito Morales, ay nahuli rin sa aktong sumisinghot ng shabu.

Bago ang isinagawang buy-bust operation, nakatanggap ng sunud-sunod na reklamo si Reyes sa mga residente ng Montojo St. hinggil sa lantarang pagbebenta ng shabu ng magkapatid.

Tatakas pa sana si Susan subalit nasakote ito ng mga tauhan ng DEU na nakaabang sa pintuan ng bahay nito.

Nakuha sa isinagawang raid ang tatlong sachet ng shabu at mga paraphernalia.

Sasampahan ng kasong pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang magkapatid na de Jesus na nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell kasama ang tatlo pang mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

CECILLE CUENCA

CRUZ

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ERNESTO GARCIA

GARY REYES

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MONTOJO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with