^

Metro

2-3 sanggol namamatay sa amoy ng Smokey Mountain

-
Hindi malnutrisyon o kumplikasyon sa panganganak kundi dahil sa bahong dulot ng nakakasulasok na amoy ng basura ang dahilan kung kaya’t tinatayang dalawa hanggang tatlong sanggol ang namamatay sa Smokey Mountain linggu-linggo.

Ayon sa naging pahayag ni Fr. Benigno Beltran, parish priest ng Smokey Mountain sa may Vitas, Tondo, hindi sumasablay ang may mga namamatay sa kanilang lugar at masakit na katotohanan ay isang sanggol hanggang dalawa kada linggo ang kanilang binibigyan ng huling pagbabasbas.

Sinabi pa ni Fr. Beltran na hindi nalilingid sa kanila ang sinasapit ng mga bata dahil laging idinadaan sa kanila ang mga namamatay na sanggol bago ilibing at halos lahat ay acute respiratory ang dahilan ng kamatayan na kanilang isinisisi sa nakakasulasok na amoy ng tambak ng basura na hinaluan pa ng singaw ng methane gas mula sa lumang Smokey Mountain.

Nabatid na karamihan sa mga namamatay na sanggol ay hindi tumatagal ng ilang buwan dahil sa mabilis na panghihina dahil sa nakalalasong amoy at usok at dahilan upang mangitim ang mga ito bago tuluyang igupo ng salot na epekto ng basura.

Sa nasabing pahayag ay isinisisi ng mga residente ang pamahalaang lungsod sa kapabayaan nito sa suliranin sa basura, partikular na sa paghahakot nito at pagtatambakan. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

AYON

BASURA

BELTRAN

BENIGNO BELTRAN

NABATID

SINABI

SMOKEY MOUNTAIN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with