^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa shootout

-
Isa sa tatlong hinihinalang mga holdaper ang iniulat na nasawi, samantalang isang sibilyan ang nasugatan makaraang magsagupa ang dalawang grupo kahapon ng madaling araw sa Sta. Mesa, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa pagamutan ang isa sa mga suspect na nakilalang si Rino King Ocampo bunga ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Samantala, nasa kritikal namang kondisyon ang isang miyembro ng Citizen’s Crime Watch na nakilalang si Rodindo Montero na kasama ng pulisya na nagresponde sa insidente.

Dalawa pa sa mga suspect ang nakapiit ngayon sa WPD Sta.Mesa police station 8. Sila ay nakilalang sina Rodel Nino, 24, at Ronald Mendoza, 28.

Ayon sa ulat naganap ang engkuwentro ng pulisya at ng grupo ng mga holdaper dakong ala-1:55 ng madaling araw sa panulukan ng Fortuna at Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta Mesa.

Nabatid na nagresponde ang mga awtoridad sa naturang lugar makaraang makatanggap ng ulat na may tatlong lalaki lulan ng motorsiklo ang umaaligid sa lugar at may kahina-hinalang kilos.

Nang marating ng pulisya ang lugar ay agad silang namataan ng mga suspect at agad silang pinaulanan ng putok ng baril.

Dahil dito napilitan ang mga awtoridad ng gumanti ng pagpapaputok na dito tinamaan si Ocampo. Hindi naman nakapalag pa ang dalawang kasamahan nito ng makitang duguan na ang kanilang kasamahan. (Ulat nina Grace Amargo at Andi Garcia)

ANDI GARCIA

CRIME WATCH

GRACE AMARGO

RAMON MAGSAYSAY BLVD

RINO KING OCAMPO

RODEL NINO

RODINDO MONTERO

RONALD MENDOZA

STA MESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with