Driver patay sa kapwa driver dahil sa agawan ng pasahero
October 14, 2001 | 12:00am
Dulot ng pag-aagawan sa pasahero, isang 36-anyos na tricycle driver ang namatay matapos na barilin ng kapwa driver, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang biktimang si Jimmy Oliverio, residente ng #26 Susana Road, Novaliches, Quezon City.
Patuloy namang pinaghahanap ng batas ang tumakas na suspect na nakilalang si Renato Pallena, 27, at residente ng #17 Bethzaida St., Brgy. San Agustin, Novaliches.
Batay sa ulat ng Criminal Investigation Division ng Quezon City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa terminal ng tricycle na matatagpuan di-kalayuan sa bahay ng suspect na si Pallena.
Nabatid na una umanong nag-agawan ng pasahero ang driver ng tricycle na sina Oliverio at Pallena hanggang sa magpambuno subalit hindi naman nagtagal ang bakbakan ng mga ito dahil sa pag-awat ng mga kasamahang driver.
Lingid sa kaalaman ng biktima, hindi pa naaalis ang galit dito ni Pallena. Sa nabanggit na oras, hinintay ng suspect si Oliverio na makadaan sa tapat ng bahay nito dala ang minamanehong tricycle.
Nang tumapat ang biktima, walang anu-ano ay biglang lumabas ng bahay si Pallena at kaagad na binaril si Oliverio na tumama sa dibdib nito.
Hindi na naisalba ang buhay ni Oliverio nang dalhin sa Novaliches Hospital.
Patuloy namang iniimbestigahan ang naganap na krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended