Sindikato ng 'Ectasy' nalansag: Lider, 12 pa timbog
October 14, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang nalansag na ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) ang isang notoryus na sindikato na nasa likod ng pagpapakalat ng drogang "ecstasy" matapos maaresto ang 13 sa mga suspect na kinabibilangan ng tatlong banyaga at ang itinuturing na lider ng grupo kasabay ng pagkakasamsam sa 39 piraso ng naturang droga sa isinagawang operasyon sa Quezon City.
Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Marvin Ducat, itinuturong lider ng grupo; Stewart McDonald, 27, isang negosyanteng British; Jayson Johnson, Amerikano, isang PBL basketball player; at Philip Glass, 34, Amerikano din at isang guro.
Kasama ring naaresto ay sina Jovy Crispal, 24; Anton Garcia, 21; Jacqueline Ulnagan, 21; Analisa San Juan, 27; Aljor Castro, 43; Joseph Vernie Ducat, kapatid ng lider at isang music producer; Virgilio Rivas, 40; Oliver Villar, 29; at Mel Santos, 27, isang interior designer.
Sa isinumiteng report kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Deputy Director Gen. Edgar Galvante kay PNP chief Director Gen. Leandro Mendoza, nagsagawa ng raid ang kanyang mga tauhan matapos na maberipikang positibong nagbebenta ng drogang ecstasy ang mga suspect.
Nilusob ng pinagsanib na puwersa ng Metro Manila Drug Enforcement Group (MMDEG) at Regional Intelligence Special Operation Office (RISSO) ang sinasabing "Ecstasy Drug Den" na nasa Ilongo St., La Vista Subd., Brgy. Pansol, Quezon City.
Ang mga suspect ay napag-alamang isinailalim sa may isang buwang surveillance ng pulisya kung saan naging positibo ang resulta nito.
Isinagawa rin ang raid sa bahay ng lider ng sindikato sa bisa na rin ng dalawang search warrant na ipinalabas ni Judge Monina Zenarosa, executive judge ng National Capital Judicial Region ng Quezon City Regional Trial Court Branch 76.
Nakumpiska mula rito ang isang hindi lisensiyadong kalibre .45 pistola; 33 rounds ng bala; 39 piraso ng drogang ecstasy, mga parapernalya at materyales na ginagamit sa pagre-repack ng naturang ipinagbabawal na gamot. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am