^

Metro

Kelot humiga sa daan nagkalasug-lasog ang katawan

-
Lasug-lasog ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos na magulungan ng isang humahagibis na kotse nang umano’y mahiga ito sa gitna ng kalye, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawi. Nakasuot ito ng kulay gray na short at asul na long-sleeve na t-shirt na may tatak na "Trans Cycle Mart", nasa pagitan ng edad na 30-40 at may taas na 5’2’’ hanggang 5’4’’ talampakan.

Kusang-loob namang sumuko ang nakasagasa na si Janice Olivia Sy, 22, empleyado ng isang bangko at residente ng No. 8 Tindalo St., Valle Verde III ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng C-5 Road, Barangay Bagong Ilog habang binabagtas ni Sy sakay ng kanyang Toyota Corolla UTT-341 ang naturang lugar nang hindi nito napansin ang isang lalaki na nakahiga sa gitna ng kalsada.

Hindi na nagawa pang makapagpreno ni Sy dahil sa bilis ng takbo hanggang tuluyang magulungan ang biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng lasing ang biktima at hindi nito alintana ang paghiga sa gitna ng kalsada o maaari ring intensyon talaga nitong magpakamatay. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

BARANGAY BAGONG ILOG

DANILO GARCIA

JANICE OLIVIA SY

PASIG CITY

SY

TINDALO ST.

TOYOTA COROLLA

TRANS CYCLE MART

VALLE VERDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with