P5-M damage suit isinampa kay Bert Nievera

Sinampahan ng P5-milyon damage suit sa Quezon City Regional Trial Court ang tinaguriang "Johnny Mathis of the Philippines" makaraang hindi nito bayaran ang construction materials na nagkakahalaga ng P7 milyon.

Batay sa reklamong iniharap ng Je-An Supreme Builders and Sales Corporation sa pangunguna ni Marco Antonio Achurra, President/CEO, hiniling nito sa korte na atasan ang Country Waffles Holdings, Inc. na pagmamay-ari ni Nievera at asawa nitong si Carolina na bayaran sila ng halagang P1.2 milyon para sa compensatory damages at P1 milyon para sa attorneys fee.

Hiniling din ng plaintiff sa korte na magpalabas ng ex-parte writ of preliminary attachment upang makuha nila ang mga personal at real properties ng mag-asawang Nievera na nagkakahalaga ng P17,698,794.96.

Nagkasundo umano ang plaintiff at ang mag-asawang Nievera sa konstruksyon ng Libis at Bohol Branch subalit hindi nagawa ng mag-asawa na magbayad ng materyales sa kabila ng kanilang kontrata. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments