Voluntary drug test sa high school students, ipinanukala
October 12, 2001 | 12:00am
Ipinanukala kahapon ng isang mambabatas na magkakaroon na rin ng voluntary drug testing sa mga high school students.
Ayon sa panukalang-batas bilang 3418 na inihain ni Pasay City Rep. Connie Dy, layunin ng kanyang panukala na mapigilang malulong sa ipinagbabawal na gamot ang mga estudyante ng high school.
Binigyang-diin ng lady solon na ang naturang panukalang drug test ay hindi mandatoryo kundi boluntaryo lamang at ang mga magulang ang dapat mag-engganyo sa kanilang mga anak na sumailalim sa naturang testing.
Naniniwala ang kongresista na sa pamamagitan ng drug testing sa mga estudyante ay maaagapan kaagad na malulong sa ipinagbabawal na gamot ang kabataan kung malalaman kaagad na gumagamit nga ang mga ito.
"Sa pamamagitan ng boluntaryong drug testing, maaagapan ng pamilya o eskuwelahan ang paggamit ng droga ng isang estudyante na nalamang positibo sa drug o substance abuse," ani Dy.
Ayon kay Dy, upang hindi maging pabigat sa mga magulang ang pagsasailalim nito sa mga anak sa drug testing ay "sasagutin ang gastos nyo ng mga government agencies tulad ng Department of Health (DOH), Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang charity institutions tulad ng Philippine Gaming Corporation at Philippine Charity Sweepstakes." (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended