Utak sa pag-ambus sa trader, kilala na

Tukoy na ng pamunuan ng Central Police District ang "utak" sa pagpaslang sa Filipino-Chinese businessman na inambus sa harap ng kanyang asawa, kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Ayon kay Chief Inspector Rudy Jaraza, hepe ng CPD- Criminal Investigation Division na kilala na nila ang utak sa isinagawang pagpaslang kay Nelson Gabaldon, 32, ng Lantaran District, Cubao, Quezon City. Gayunman pansamantalang hindi nito ibinigay ang pangalan ng salarin.

Magugunitang pinagbabaril hanggang sa mapatay si Gabaldon ng tatlong armadong kalalakihan habang ito ay lulan ng kanyang kotse sa harap ng Saint Michael Foundation School sa Quezon City kamakalawa. Napag-alaman na hinatid ni Gabaldon ang kanyang anak sa paaralan ng maganap ang insidente.

Masuwerte namang nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang kanyang misis. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments