^

Metro

Bangag sinunog ang sariling bahay

-
Tuluyang nilukuban ng espiritu ng droga ang isang 37-anyos na adik matapos na totohanin nito ang kanyang banta na susunugin ang sariling bahay nang buhusan niya ito ng gas at saka silaban habang nasa loob ang kanyang asawa, kapatid at isang taong gulang na anak, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakapiit ngayon sa Marikina Detention cell ang adik na si Alexander Solomon, 37, isang machine operator, ng 17 Rosal St., Barangay Malanday ng nabanggit na lungsod. Nahaharap ito ngayon sa kasong attempted arson at attempted homicide.

Sa ulat ng pulisya dakong alas-7:30 ng gabi ay umuwing bangag na bangag ang suspect sa kanilang bahay at nagsisisigaw na kanyang susunugin ang kanilang barangay.

Kumuha ito ng isang galong gas at binuhusan ang kanilang bahay at saka sinilaban habang natutulog sa loob ang kanyang misis na si Cecilia, 35; kapatid na si Edna, 40 at ang anak niyang babae.

Agad namang nagising ang kanyang pamilya at mabilis na nakalabas ng bahay. Mabilis din namang naapula ang paglaganap ng apoy sa tulong na rin ng kanilang mga kapitbahay.

Ang mga ito ang siyang sumukol sa addict na suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALEXANDER SOLOMON

BARANGAY MALANDAY

CECILIA

DANILO GARCIA

EDNA

KUMUHA

MABILIS

MARIKINA CITY

MARIKINA DETENTION

ROSAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with