^

Metro

Kaanak ng PNP official tiklo sa droga

-
Naaresto ng pulisya ang pinsan ni dating Cavite Provincial Director Sr. Supt. Samuel Pagdilao Jr. matapos itong maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kamakalawa ng gabi sa Malabon.

Kinilala ni Supt. Ernesto Fojas Jr., hepe ng pulisya, ang suspect na si Nathaniel Pagdilao, 29-anyos, binata ng #34 Int. Lanzones Road, Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod.

Base sa reklamo nina Rey Alba, Ceferino Lao at Rolando Lagrimas, mga kapitbahay ni Pagdilao, nabatid na lantaran umanong nagbebenta ng shabu ang suspect sa kanilang lugar na kahit sa katanghaliang tapat ay ‘naglalako’ ito.

Dahil dito kung kaya’t kaagad na nagsumbong ang dalawa sa pulisya at inatasan ni Fojas ang kanyang mga tauhan na puntahan ang naturang lugar at magsagawa ng buy-bust operation laban sa suspect.

Nakuha mula sa suspect ang may 21 piraso ng plastic sachet ng umano’y shabu at mga drugs paraphernalia.

Pagdating sa himpilan ng pulisya, tahasang ipinagmalaki umano ng suspect sa mga kagawad ng Malabon police na anumang oras ay maaari siyang makalaya dahilan sa pinsan umano niya si dating Cavite Provincial Director Pagdilao na kasalukuyang nasa floating status. (Ulat ni Gemma Amargo)

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR PAGDILAO

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

CEFERINO LAO

ERNESTO FOJAS JR.

GEMMA AMARGO

LANZONES ROAD

MALABON

NATHANIEL PAGDILAO

REY ALBA

ROLANDO LAGRIMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with