^

Metro

Trader pinaslang sa harap ng asawa at anak

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap ng kanyang mag-ina ang isang 32-anyos na negosyante ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan sa harap ng paaralan ng kanyang anak, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Nelson Gabaldon, ng 70 E Lantaran District, Cubao, Quezon City sanhi ng tinamong walong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:15 ng umaga nang tambangan ng mga suspect ang biktima nang ihatid ng huli ang kanyang anak sa Saint Michael School Foundation na nasa Calamba St., Barangay Sto. Domingo ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cresencio Bajao ng CPD-CIU tinapatan ng mga suspect ang sasakyang Gold Mazda ng biktima na may plakang USU-501. Bago pa man makababa ng sasakyan ang anak ng biktima ay bigla na lamang pinaputukan nang malapitan ng mga suspect ang biktima.

Masuwerte namang hindi nasugatan ang asawa ng nasawi na katabi lamang nito sa unahan ng sasakyan.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Kasalukuyan namang nasa ‘state of shock’ pa ang mag-ina kaya hindi pa makunan ng testimonya ang mga ito tungkol sa pangyayari.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa negosyo ang isinagawang pagpaslang kay Gabaldon.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito para mabatid kung sino ang mga suspect at kung ano ang tunay na motibo sa isinagawang pagpaslang dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BARANGAY STO

CALAMBA ST.

CRESENCIO BAJAO

CUBAO

E LANTARAN DISTRICT

GOLD MAZDA

JHAY MEJIAS

NELSON GABALDON

QUEZON CITY

SAINT MICHAEL SCHOOL FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with