^

Metro

Engineer patay sa apat na holdaper

-
Isa na namang buhay ang nasayang makaraang holdapin at barilin ng apat na hindi nakikilalang kalalakihan ang isang engineer nang tumanggi itong ibigay ang kanyang clutchbag, kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Armando Fababier, 51, ng No. 2531 Bagac St., Tondo Manila, chief engineer ng M/V San Nicolas, isang inter-island cargo passenger ship na nakadaong sa Pier 2 ng North Harbor, Manila.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa sentido at sa kaliwang braso.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni SPO1 Raul Olivario, ng Western Police District-Homicide Division nabatid na ang biktima ay sumakay ng isang pedicab pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng apat na armadong kalalakihan.

Isa sa mga suspect ang humaltak sa dalang clutchbag ng biktima, gayunman nakipaghilahan ang huli kaya’t tuluyan siyang binaril ng mga salarin.

Mabilis na tumakas ang mga suspect makaraang makitang bumulagtang duguan ang biktima.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga salarin. (Ulat nina Andi Garcia at Ellen Fernando)

ANDI GARCIA

ARMANDO FABABIER

BAGAC ST.

ELLEN FERNANDO

ISA

NORTH HARBOR

RAUL OLIVARIO

TONDO MANILA

V SAN NICOLAS

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with