6 na kidnappers ng Hapones nalambat
October 10, 2001 | 12:00am
Anim na miyembro ng big-time kidnapping syndicate kabilang ang dalawang sundalo na responsable sa pagdukot sa 13-anyos na anak ng isang Japanese national ang naaresto ng mga operatiba ng National Anti-Crime Commission, Anti- Kidnap for Ransom Task Force (NAKTAF) sa isinagawang serye ng operasyon sa southern part ng Metro Manila.
Iniharap ni NAKTAF chief, Deputy Director Hermogenes Ebdane sa mga mediamen ang mga naarestong suspect na nakilalang sina Army Sgt. Joselim Arnuco, 39, nakatalaga sa 3rd Infantry Division ng Phil. Army; Sgt. Virgilio Corpuz, 39, nakatalaga naman sa Civil Affairs Group ng Phil. Army; Joer Bunales, 30; Wilfredo Blanca, 39; Manuel Cruz, 38 at Philip Pegarido.
Sinabi ni Ebdane na ang mga suspect ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Las Piñas City, Parañaque City at Makati City.
Ayon pa sa kanya ang mga suspect ay responsable sa pagdukot kay Mark John Giga at mga kamag-anak nito noong nakalipas na Setyembre 26 sa Novaliches, Quezon City. Gayunman pagkalipas ng ilang oras ay tanging si Mark lamang na anak ng Japanese national na si Seizabburo Giga lamang ng tinangay ng mga kidnappers.
Inihayag pa ni Ebdane na matapos na mapalaya ang bata nitong nakalipas na Setyembre 28 ay nagsagawa na sila ng follow-up operations upang madakip ang mga suspect.
Positibo namang kinilala ni Giga ang mga suspect sa isang line-up.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 10, 2026 - 12:00am