Cartographical sketch ng mga mandurugas sa SM City, inilabas na
October 9, 2001 | 12:00am
Inilabas na kahapon ng pamunuan ng Central Police District -Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang cartographic sketches ng lima sa walong armadong kalalakihan na nanloob sa SM City sa North Edsa, Quezon City noong nakalipas na Sabado ng umaga.
Ito ay base sa pagsasalarawan ng testigong si Virgie Placencia, saleslady sa naturang department store.
Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang grupo ng "Waray Gang" ang nagsagawa ng panloloob sa Foreign Exchange counter at sa tatlong jewelry store sa loob ng naturang department store. Tinatayang aabot sa P1.6 milyon ang natangay ng mga suspect.
Base sa ulat, dakong alas-10:10 ng umaga nang pasukin ng mga suspect ang department store. Nagpanggap ang mga ito ng kostumer. Matapos ang ilang minutong panlilimas ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.
Isang oras matapos ang insidente, narekober ng pulisya ang isang kulay itim na Honda Civic na sinasabing isa sa get-away car ng mga suspect.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng pulisya laban sa mga suspect. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended