^

Metro

Terrorists attack sa US pinatatalakay sa paaralan

-
Ipinag-utos kahapon ni Education Secretary Raul Roco ang pagsasagawa ng isang espesyal na talakayan sa lahat ng paaralan sa buong bansa ukol sa naganap na pagsalakay at pambobomba ng mga terorista sa World Trade Center at Pentagon sa Estados Unidos upang makakuha umano ng magagandang aral ang mga mag-aaral dito.

Kaugnay nito, isang memorandum ang ipinalabas ni Roco na mahigpit na nag-uutos sa mga guro na ipabatid sa mga mag-aaral ang mga aral at hindi mabuting naidudulot ng gawaing terorista.

Isang magandang aral na maaaring makuha ng mga mag-aaral ay ang kabayanihan sa oras ng kagipitan kapag naharap sa katulad na sitwasyon. Inihalimbawa ni Roco ang kabayanihan ng ilang mga bumbero na pumasok sa loob ng WTC Tower sa kabila ng panganib sa buhay nila na kanilang ikinasawi dahil sa pagguho nito.

Bukod dito, tatalakayin rin naman ang lokal na bersyon ng kabayanihan ng isang 11-taong gulang na si Seijid Bulig na nakapagligtas ng 9 na bata nang maganap ang Pagoda tragedy. Nasawi rin si Bulig sa naturang trahedya nang hindi na nito makayanan ang pagod at malunod.

Idinagdag ni Roco na kailangan ring isama sa tatalakayin kung paano maiiwasan ang kahalintulad ng pag-atake sa pamamagitan ng edukasyong sa kapayapaan, pagiging handa sa anumang trahedya, at pakikisangkot sa oras ng rehabilitasyon matapos ang trahedya tulad ng ginawang pag-aambag ng dugo ng mga Amerikano para sa mga sugatang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMERIKANO

BUKOD

BULIG

DANILO GARCIA

EDUCATION SECRETARY RAUL ROCO

ESTADOS UNIDOS

ROCO

SEIJID BULIG

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with