^

Metro

Swedish national nagbaril sa sentido

-
"I love you all".

Ito ang nakasulat sa salamin sa loob ng banyo na tinutuluyan ng isang pabling na Swedish at hinihinalang isinulat nito bilang pamamaalam bago siya magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido sa The Garden Plaza Hotel sa Paco, Maynila kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Peter Weber, nanunuluyan sa Room 144 mula sa ikatlong palapag ng nasabing hotel. Siya ay nagtamo ng isang tama ng punglo sa kanang sentido mula sa isang .38 Llama na kalibreng baril.

Sa imbestigasyon ni Det. Edison Bertoldo, ng Western Police District, bandang alas-12:15 ng hapon ng matagpuan ng isang room boy ang nakalugmok na bangkay ng dayuhan sa loob ng banyo ng kanyang silid.

Natagpuan naman ng mga awtoridad ang iba’t ibang larawan ng mga babae habang nakadikit ito sa salamin kung saan isinulat ng biktima ang katagang "I love you all". Nakita rin ang isang suicide note at mga dokumento sa tabi ng biktima.

Nabatid na mahigit na dalawang taon na umanong stay-in sa naturang hotel ang biktima at nakilala siya bilang isang palikero at mahumaling sa iba’t ibang babaing Pinay.

Sinabi ni Bertoldo na may anim na oras nang patay si Weber nang makita ang katawan nito at kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan kung may foul play sa pagkasawi nito.

Nakatakdang dalhin naman sa Sweden Embassy ang mga naiwang mga dokumento ng biktima habang ang labi nito ay sumasailalim sa awtopsiya sa Tres Amigos Funeral Parlor sa Maynila. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

BERTOLDO

EDISON BERTOLDO

GARDEN PLAZA HOTEL

ISANG

MAYNILA

PETER WEBER

SWEDEN EMBASSY

TRES AMIGOS FUNERAL PARLOR

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with