Pulis na inagawan ng cellphone ng isang bading nasakote
October 8, 2001 | 12:00am
Kalaboso ang inabot ng isang bading na umanoy kasapi ng agaw cellphone gang matapos na isang opisyal ng Philippine National Police ang kanyang natipuhang biktimahin kahapon ng umaga sa Pasay City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jerry Geronimo, 48, isang part-time beautician at nakatira sa No.1147 Dagonoy, Singalong, Maynila.
Ang inagawan ng cellphone ay si Police Inspector Manuel Aquino, 48, may-asawa, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng National Capital Region at nakatira sa No. 808-H Edsa, Cubao, Quezon City.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Marianito Agao ng Pasay Police Criminal Investigation Division, dakong alas-10:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng Savers Department Store sa Edsa Extension, nasabing lungsod.
Habang naglalakad ang police official kasama ang isang kaibigang babae nang bigla na lamang sumulpot si Geronimo at hinablot ang hawak na cellphone (6150) ng una.
Nang papatakas ang suspect ay agad na hinabol ng nasabing opisyal hanggang sa minalas ang una na maabutan ng huli at madakip. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest