^

Metro

Masayang birthday party nabahiran ng dugo

-
Madugo ang kinahantungan ng isa sanang masayang birthday party matapos magkagulo at magkasaksakan ang mga bisita na ikinasawi ng isa at malubhang pagkakasugat ng isa pa sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Noel Tarinting, 25, binata, vendor habang nilalapatan ng karampatang lunas sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang pinsan nito na si Rodrigo Balading, 25, may-asawa, kapwa residente ng Bldg. B, Sambahayan Rawis, Road 10, Tondo.

Si Tarinting ay naubusan ng dugo bunga ng mga tama ng patalim sa katawan habang si Balading ay nasaksak sa kanyang kili-kili.

Agad namang nadakip ang papatakas na suspek na armado ng patalim na si Enrico Armas, 27, binata, pedicab driver ng nasabi ring lugar.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni Det. Virgo Villareal, may hawak ng kaso, ng Western Police District-Homicide Division, bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang magkagulo ang mga bisitang dumalo sa birthday party na ginanap sa rooftop ng bahay ng celebrator.

Nabatid na nagsimula ang kasiyahan bandang alas-7 kamakalawa ng gabi at nang sumapit ang hatinggabi ay natira na lamang sa umpukan ng mga nag-iinuman ang mga bisitang sina Rose Libut, Leclec Valdemor, Balading, Armas at kapatid nitong si Ernesto, biktima at pinsan nitong si Rodrigo.

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Rodrigo at Ernesto hanggang sa umabot sa suntukan.

Dito nagkaroon ng labu-labo hanggang sa makakuha ng kutsilyo ang suspek at kapwa inundayan ng saksak ang magpinsan.

Tinangkang tumakas ng suspek matapos ang isinagawang krimen subalit naaresto ito ng mga nagrespondeng pulis-Maynila. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

BALADING

ENRICO ARMAS

ERNESTO

LECLEC VALDEMOR

MAYNILA

NOEL TARINTING

RODRIGO

RODRIGO BALADING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with