SM City pinagnakawan: 1 patay
October 7, 2001 | 12:00am
Isa ang nasawi, samantalang tinatayang aabot sa P1.6 milyong halaga ng salapi mula sa Foreign Exchange Center na nasa loob mismo ng SM City ang nalimas ng mahigit sa sampung armadong kalalakihang nanloob sa nabanggit na establisimento ilang minuto lamang matapos na ito ay magbukas.
Bukod sa FOREX center na nasa unang palapag ng SM, nalimas din ng mga suspect ang hindi pa malamang halaga ng mga mamahaling alahas ng mga jewelry store sa una at ikalawang palapag ng nabanggit na department store.
Nabatid na kinulimbat ng mga suspect ang mga alahas sa JP Jewelry Store, Brilliant Gems Jewelry Store at Jem Gallery,
Ayon kay PO1 Carlos Baging ng CPD Station 2, na pawang nasa edad na 30-40 ang mga suspect na nakapustura ang kasuotan at nagkunwaring mga mamimili.
Isang security guard naman ng Department of Education na nakilalang si Antonio Rebato ang namatay sa naturang insidente.
Si Rebato ay nabatid na naka-duty sa DECS-NCR sa harap ng SM nang paputukan nito ang mga tumatakas na suspect.
Nakipagpalitan naman ng putok ang mga suspect at tinamaan si Rebato sa kaliwang dibdib na tumagos sa puso at naging dahilan ng mabilis nitong kamatayan.
Tumakas ang mga suspect sakay ng isang Toyota Revo na kulay maroon at may plakang WAV 985 at dalawang Induro type na motorsiklo patungong Barangay Pag-asa ng nabanggit na lungsod. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am