10 anyos hinalay muna bago pinatay
October 7, 2001 | 12:00am
Isa na namang brutal na krimen ang naganap matapos na matagpuan ang bangkay ng isang 10-anyos na batang babae na hinalay muna bago pinatay, isinilid sa isang itim na plastic bag at itinapon sa isang kanal, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Kinilala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima na si Ma. Cristina Suyo, grade 4 pupil ng Infant Jesus Academy at residente ng #76 Narra St., Marikina Heights, ng lungsod na ito.
Sa ulat ni SPO1 Arnel Manuel, imbestigador, nabatid na natagpuan ng isang residente sa lugar ang bangkay ng biktima dakong alas-6:30 ng umaga. Naglilinis umano ng bakuran ang saksi nang makita nito ang itim na plastic bag na bumabara sa kanal.
Nang kanyang buksan ang bag ng basura, nagulantang ito nang makita ang patay na bata na laman nito. Nabatid na nagtamo ang biktima ng maraming pasa at 14 na saksak sa buong katawan.
Ayon kay Manuel, ginahasa muna umano ang biktima bago ito pinatay ng mga hindi nakilalang suspect dahil sa namamagang ari nito.
Anim lalaki na hinihinala lamang sa pangalang Jun, 41; Zaldy, 22; Noel, 20; Melvin, 26; Ferdinand, 24, at Allan, 19, pawang residente ng naturang lugar ang inimbitahan ng pulisya matapos na matagpuan ang duguang damit ng biktima na nakasabit sa bakod ng compound ng mga ito.
Itinanggi naman ng mga ito na may kinalaman sila sa krimen. Sinabi ng mga ito na posibleng inilagay lamang umano ng mga tunay na suspect ang damit upang iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Ayon sa mga saksi, huling nakita ang biktima dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi malapit sa isang tindahan. Hindi na umano nakauwi pa ang biktima.
Kasalukuyang nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa mga nadakip na suspect at iba pang anggulo upang mabigyan ng katarungan ang walang-malay na biktima.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended