^

Metro

7 Chinese kidnappers timbog

-
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang pitong Chinese nationals na itinuturong nasa likod ng isang big-time kidnap-for-ransom gang na responsable sa pagdukot sa mag-inang Chinese kamakailan sa La Union sa isinagawang serye ng operasyon sa Metro Manila, Cavite at Tarlac.

Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, iniharap kahapon sa mga mamamahayag ni National Anti-Crime Commission Anti-KFR Task Force (NAKTAF) chief, Police Deputy Director General Hermogenes Ebdane Jr., ang mga nadakip na suspect.

Kinilala ang mga nahuling suspect na sina Jason Lim, 28; Jacky Sy King alyas Shi Jian Hui, 22; Aaron Chang Tin, 35; Tony Co, alyas Xu You Kuang, 21; Zhang Xi Wang, 20; Zhang Du, 35; at Ocampo Jacky Sy, pawang nanunuluyan sa Bacoor, Cavite.

Ang mga ito ay dinakip kamakalawa ng gabi sa magkakasunod na operasyon ng NAKTAF operatives sa Metro Manila, Cavite at Tarlac.

Ang mga suspect ay itinuturong responsable sa pagdukot kina Jacqui Rowena Tiu at ina nito noong Setyembre 27 sa La Union. Mapalad na nakatakas ang hindi nakikilalang ginang at ito ang nagsumbong ng pagdukot sa kanyang anak sa San Fernando City Police Station.

Gayunpaman, sa kabila ng pagsusumbong sa awtoridad ng pangyayari ay humirit pa rin ng ransom payment ang mga kidnappers sa pamamagitan ng ilang ulit na pagkontak sa pamilya ni Tiu.

Unang humingi ang mga kidnappers ng US$1 milyon ngunit pagdaka’y napagkasunduan ang P10 milyon na kabayaran kapalit ng kalayaan ng biktima.

Itinakda ang pay-off sa bisinidad mismo ng Manila Hotel kamakalawa at ang biktima ay ligtas na nabawi sa NAIA 2 terminal.

Ilang sandali matapos ang pagpapalaya sa biktima ay nagsagawa na ng operasyon laban sa mga suspect ang kinauukulan hanggang sa kumpletong makuha sa mga ito ang P10 milyon na ransom money, 3 iba’t ibang uri ng baril, isang Mitsubishi Adventure at pitong cellular phone.

Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa sa tactical interrogation ang pitong Intsik upang malaman kung matagal nang nag-ooperate ang mga ito sa bansa at kung sinu-sino ang iba pa nilang kaalyadong kriminal dito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AARON CHANG TIN

CAMP CRAME

CAVITE

JACKY SY KING

JACQUI ROWENA TIU

JASON LIM

JOY CANTOS

LA UNION

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with