Naniniwala si Health Undersecretary Antonio Lopez, hindi gawain ni bin Laden, na gamiting sandata ang magpakalat lang ng simpleng influenza virus, dahil kilala na ang grupo nito na mga bigtime terrorist at hindi rin umano basta-basta maliliit na bansa ang inaatake nito.
Kaugnay nito ay sinabi ni Lopez na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin umanong resulta sa kanilang pagsusuri kung anong klase ng virus ang dumapo sa mga estudyante dahil may tatlong type umano ito (ABC).
"The virus nature is not yet identified" pahayag ni Lopez.
Bagamat nagpahayag din ng pagtataka si Lopez sa nangyaring halos sabay-sabay at daan-daan agad na mga estudyante ang naapektuhan sa loob lamang ng isang araw.
Ito umano ang kauna-unahang nangyari sa medical world, subalit sinabi nitong "Anything is possible under the sun" na ibig sabihin umano ay posibleng isang uri ito ng bago at "powerful virus influenza".
Kaugnay nito ay sinabi ni Lopez na nagpakalat na rin sila ng mga tauhan na nagsasagawa ng surveillance checks sa lahat ng mga naapektuhang lugar. Subalit tiniyak nito na hindi pa inaalerto ng DOH ng international network agencies katulad ng United Nations Childrens Emergency Fund (UNICEF) U.S. Embassy center for disease at ang World Health Organization (WHO). (Ulat ni Ellen Fernando)