^

Metro

Influenza virus hindi biological warfare ni bin Laden

-
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang kumalat na virus sa daan-daang mga estudyante mula sa mga ekslusibong eskwelahan na naging dahilan ng pag-panic ng mga mag-aaral at mga guro maging ng mga mamamayan sa Metro Manila ay hindi bahagi ng "biological warfare" ng international billionaire terrorist na si bin Laden.

Naniniwala si Health Undersecretary Antonio Lopez, hindi gawain ni bin Laden, na gamiting sandata ang magpakalat lang ng simpleng influenza virus, dahil kilala na ang grupo nito na mga bigtime terrorist at hindi rin umano basta-basta maliliit na bansa ang inaatake nito.

Kaugnay nito ay sinabi ni Lopez na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin umanong resulta sa kanilang pagsusuri kung anong klase ng virus ang dumapo sa mga estudyante dahil may tatlong type umano ito (ABC).

"The virus nature is not yet identified" pahayag ni Lopez.

Bagamat nagpahayag din ng pagtataka si Lopez sa nangyaring halos sabay-sabay at daan-daan agad na mga estudyante ang naapektuhan sa loob lamang ng isang araw.

Ito umano ang kauna-unahang nangyari sa medical world, subalit sinabi nitong "Anything is possible under the sun" na ibig sabihin umano ay posibleng isang uri ito ng bago at "powerful virus influenza".

Kaugnay nito ay sinabi ni Lopez na nagpakalat na rin sila ng mga tauhan na nagsasagawa ng surveillance checks sa lahat ng mga naapektuhang lugar. Subalit tiniyak nito na hindi pa inaalerto ng DOH ng international network agencies katulad ng United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) U.S. Embassy center for disease at ang World Health Organization (WHO). (Ulat ni Ellen Fernando)

DEPARTMENT OF HEALTH

ELLEN FERNANDO

EMERGENCY FUND

HEALTH UNDERSECRETARY ANTONIO LOPEZ

KAUGNAY

LOPEZ

METRO MANILA

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with