Kinilala ni BI Commissioner Andrea D. Domingo ang mga suspects na sina Mahmudin at Mohamad Mahfud na dumating sa nasabing paliparan sakay ng eroplanong Philippine Airlines flight PR-502 galing Singapore.
Ayon kay Domingo, nagduda ang immigration officer on duty na peke ang visa ng dalawa kaya tinawagan nila ang US Embassy para magpadala ng kinatawan sa airport upang personal na maiksamin nito ang dalang passports ng mga suspects.
"Pinatungan ang litrato sa visa, ayon sa ahente ng Anti-Fraud Unit ng US Embassy sa Manila," ani Domingo.
Gayunman, sinabi ni Rodolfo Gino, NAIA 2 immigration supervisor na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkatao ng dalawang suspects at sino ang nagbigay sa kanila ng pekeng US visa. (Ulat ni Butch Quejada)