^

Metro

Binata pinatay ng kaibigan dahil sa droga

-
Binaril at napatay ng isang 38-anyos na lalaki ang kanyang kaibigan matapos umanong magkaonsehan sa droga, kamakalawa ng hapon sa Navotas.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Jose Diaz, 20, at naninirahan sa A. Cruz St., Tangos, ng nabanggit na bayan.

Mabilis namang tumakas dala ang baril na ginamit sa krimen ng suspect na si Jessie Lerona, ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang naturang krimen malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na habang naglalaro ng baraha ang biktima ay nilapitan ito ng suspect sa likod at bigla na lang binaril sa ulo gamit ang isang .38 kalibreng baril. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BINARIL

CRUZ ST.

GEMMA AMARGO

JESSIE LERONA

JOSE DIAZ

MABILIS

NABATID

NAVOTAS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with