^

Metro

Varsity player inaresto sa panghahalay sa coed

-
Isang 24-anyos na varsity player na matagal ding nagtago ang inaresto ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) sa kasong panghahalay sa isang dentistry student noong nakalipas na Mayo ng taong kasalukuyan.

Ang inaresto ng mga tauhan ng WPD-Special Operations Group sa bisa ng ipinalabas na standing warrant of arrest ay nakilalang si Emmanuel Cataluna. Ito ay nadakip matapos na magkamaling umuwi sa dati niyang tinitirhan sa 1046 Concepcion Aguila St., Quiapo, Manila.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Fidel Geronimo naganap ang insidente noong nakalipas na Mayo 3, 2001 nang kumatok si Cataluna sa inuupahang kuwarto ng biktima sa 455 de Guzman St., Quiapo, Manila na nagpanggap na hihingi ng pagkain.

Sinabi ng 20-anyos na biktima na tubong Basilan na nagawa niyang papasukin ang suspect dahil sa malapit itong kaibigan ng kanyang kuya.

Nang makapasok sa kuwarto ay agad na sinunggaban ng suspect ang biktima at inihiga sa kama. Doon ito sapilitang hinubaran at saka hinalay.

Hindi naman nagawa ng biktima na makapagsumbong dahil sa lito pa ang kanyang isip at dahil sa baguhan lamang siya sa Maynila.

Nagawa lamang niyang sabihin ang nangyari sa kanyang ina nang bisitahin siya nito noong nakalipas na Hunyo.

Dahil sa pangyayari nabuntis ang biktima at nakunan naman dahil sa dinanas na traumatic experience.

Samantala, matapos din ang insidente nagtago na ang suspect na sinasabing varsity player ng National University. Itinanggi naman nito ang panghahalay at sinabing kasintahan niya ang biktima.(Ulat nina Andi Garcia at Nestor Etolle)

ANDI GARCIA

AYON

CONCEPCION AGUILA ST.

EMMANUEL CATALUNA

FIDEL GERONIMO

GUZMAN ST.

NATIONAL UNIVERSITY

NESTOR ETOLLE

SPECIAL OPERATIONS GROUP

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with