Nabatid na pinagtutuunan ngayon ng Labor Department at OWWA ang posibilidad ng isang agaran at puspusang paglilikas.
Magugunitang may mga ulat na nasa loob na ng Afghanistan ang pinagsanib na puwersa ng US at British troops at kasalukuyang minomonitor ang movement ng mga terorista.
Batay sa ginagawang pag-aaral ng DOLE at OWWA, posibleng ma-escalate ang kaguluhan at maapektuhan ng mga bagong kaganapan ang mga manggagawa sa 9 na bansa sa Gitnang Silangan kung kaya dapat ding pagtuunan ang ibang mga pamamaraan at resources para sa maramihang repatration.
Ayon kay OWWA Administrator Wilhelm Soriano, hindi maaalis ang posibilidad na kumalat ang kaguluhan sakaling magsimula nang umatake ang US kayat tinitingnan nila ang posiblidad na isusuhestiyon sa foreign department na hiramin ang serbisyo ng mga aircraft ng Kano para magamit sa maramihang paglilikas. (Ulat ni Andi Garcia)