^

Metro

Misis binoga ng mister na pulis, grabe

-
Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang pulis na sinasabing bumaril sa sarili niyang misis habang nasa impluwensiya ng droga, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Nakilala ang tumakas na suspect na si PO2 Arnel Canonigo, 33, nakatalaga sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) at residente ng #11 Villa Baltazar St., Palatiw Kanan ng nabanggit na lungsod.

Nasa kritikal namang kondisyon sa loob ng Pasig City General Hospital ang kanyang asawang si Nancy, 27, mananahi, matapos na magtamo ng tama ng bala sa kalibre.38 sa kanyang likod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Efren Calix, ng Criminal Investigation Division (CID) nabatid na unang ginulpi ni Canonigo ang kanyang asawa kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay dahil sa matinding pagseselos umano nito.

Sinabi ng magulang ng suspect kay Calix na sabog umano sa droga ang kanilang anak at naghihinala sa kanyang asawa. Natigil lamang ang pambubugbog nito nang awatin ng mga magulang si Canonigo.

Hindi na umano natulog ang suspect ng gabing iyon dahil na rin sa tama ng droga at hanggang alas-9:45 ng umaga kahapon ay nanonood pa rin ito ng telebisyon.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nainis umano ang suspect dahil sa malabong TV kaya hinampas niya ito ng baril.

Dito umawat ang misis subalit lalong nainis ang suspect na pulis.

Dahil sa matinding galit binaril nito sa likuran ang kanyang misis at pagkatapos ay mabilis na itong tumakas. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARNEL CANONIGO

AUTONOMOUS REGION

CANONIGO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

EFREN CALIX

MUSLIM MINDANAO

PALATIW KANAN

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with