^

Metro

Car wash boy todas sa tricycle

-
Basag ang bungo at bali ang mga buto at namatay noon din ang isang carwash boy matapos mahagip ng isang tricycle kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Orsolo Pedronio, 42 anyos ng Kasunduan St., Brgy. Commonwealth, matapos na tumama ang ulo nito sa kalsada.

Base sa imbestigasyon ng Central Police District Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Commonwealth Avenue.

Napag-alaman na ang biktima ay naglilinis ng taxi sa naturang lugar nang ito ay mahagip ng rumaragasang tricycle na may plakang TX-5128.

Sa sobrang lakas nang pagkakabunggo ay tumilapon ang katawan ng biktima at malakas na humampas ang ulo nito sa konkretong kalsada na naging dahilan ng agad nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay agad namang sumuko ang suspek na si Byron de Leon, 21 anyos at residente ng #89 Adaria Unit Brgy. Commonwealth. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ADARIA UNIT BRGY

BASAG

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

COMMONWEALTH AVENUE

JHAY MEJIAS

KASUNDUAN ST.

MATAPOS

ORSOLO PEDRONIO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with