^

Metro

Dating kahera ng Pasay City Hall sinampahan ng kaso sa Ombudsman

-
Inirekomenda ng Office of the Ombudsman ang kasong qualified theft laban sa kahera ng Pasay City Hall dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa paglustay na halagang P1 Milyon na pondo ng lokal na pamahalaan.

Sa dokumentong isinampa kay Ombudsman Prosecutor Lourdes Padre Juan, si Lourdes N. Rafols, Cash Officer IV ng Pasay City Hall Office ay sasampahan ng kasong qualified theft o paglabag sa nakasaad sa Article 310 ng Revised Penal Code.

Nabatid na si Rafols ay kinasuhan ng Malversation of Public Daplas ng taong ito sa nabanggit na tanggapan.

Matapos akusahan ang nasabing kahera ay sangkot umano sa paglustay ng nabanggit na halaga ng pondo ng pamahalaang lungsod.

Hindi umano maipaliwanag ni Rafols kung saan napunta ang nabanggit kaya ito ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman.

Sinikap ng pahayagang ito na makuha ang reaksyon ni Rafols pero wala sa kanyang opisina.

Ayon sa ilang kawani, ito ay isyung pulitika lamang at walang katotohanan ang akusasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CASH OFFICER

LORDETH BONILLA

LOURDES N

MALVERSATION OF PUBLIC DAPLAS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN PROSECUTOR LOURDES PADRE JUAN

PASAY CITY HALL

PASAY CITY HALL OFFICE

RAFOLS

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with