^

Metro

Konsehal Kim Atienza kakasuhan ng slander

-
Nakatakdang sampahan ngayong araw na ito sa Manila Prosecutors Office ng kasong slander at paglabag sa Magna Carta of disabled ni 2nd district Councilor Edward Tan ang kasamahang Councilor na si Kim Atienza makaraang gawing katatawanan nito ang kanyang speech defect noong nakalipas na public hearing ng Manila City Council.

Ang nakakainsultong pagbibiro ni Atienza ay isa lamang umano sa ilang kahiya-hiyang gawain ng konsehal ng Maynila.

Nangyari ang insidente habang nagpe-preside si Tan, committee chairman on peace, public order and safety at may-akda ng mungkahing ordinansa sa paglilipat ng mga oil depot.

Bigla na lamang umanong sumingit at pinahinto ni Atienza si Tan sabay wika umano ng "Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na wala pong diperensiya ang ating mikropono.Si Tan ay may harelip na nagiging dahilan upang siya ay hirap magsalita."

Kapansin-pansin na walang natawa sa mga nakarinig at mismong isang kasamahang konsehal ni Atienza ang nagsabing ‘sick joke’ umano ang ginawa nito at isang public display of utter disrespect for another councilor and the handicapped in general.

Handa namang tumestigo si Assistant Minority Floorleader Councilor Bernardito Ang na mayroon ding natural disability matapos na magkasakit ng polio laban kay Atienza kapag nagsampa na ng kaso si Tan. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ASSISTANT MINORITY FLOORLEADER COUNCILOR BERNARDITO ANG

ATIENZA

BIGLA

COUNCILOR EDWARD TAN

KIM ATIENZA

MAGNA CARTA

MANILA CITY COUNCIL

MANILA PROSECUTORS OFFICE

SI TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with