^

Metro

Kelot basted sa nililigawan, nagbigti

-
Minabuti ng isang binata ang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos siyang bastedin ng babae na kanyang nililiyag kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Manila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Chinese General Hospital ay nakilalang si Amador Galarde, 22, residente ng Karapatan St., ng nasabing lugar.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division na ang biktima ay natagpuan ng kanyang ina na nakabitin sa kisame ng kanilang kusina gamit ang nylon cord dakong alas-5 ng umaga.

Ayon sa kaanak ni Galarde, na wala silang alam na malaking problema na kinakaharap ang biktima maliban sa pagbasted ng nililigawan nitong dalaga na kanilang kapitbahay.

May posibilidad umano na hindi nakayanan ng biktima ang ginawang pagbasted sa kanya ng dalaga kaya’t nagawa nitong magpakamatay.

Ngunit naghihinala naman ang mga awtoridad na maaaring gumagamit ng bawal na gamot ang biktima kaya’t hindi nito makayang harapin ang maliliit na problema. (Ulat ni Grace Amargo)

AMADOR GALARDE

AYON

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

GALARDE

GRACE AMARGO

HOMICIDE DIVISION

KARAPATAN ST.

MINABUTI

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with