^

Metro

2 lalaki nagduwelo dahil sa anting-anting,kapwa todas

-
Dahilan sa pagyayabangan kung kaninong anting-anting ang mas mabisa, dalawang lalaki ang iniulat na nasawi matapos na magduwelo sa patalim, kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Tondo Medical Center matapos tablan ng mga saksak sa katawan ang dalawa na nakilalang sina Alfredo Jarol, 57 at Crispin Lubin, kapwa residente ng Area 2 Blk 32, Kaunlaran Village ng nabanggit na lugar.

Lumabas sa ulat na dakong alas-10:30 ng gabi nang magduwelo ang dalawa sa may Blk. 25 Phase 2 ng nasabing lugar.

Nauna dito ang dalawa ay nag-iinuman kasama ang ilan nilang kabarkada sa bahay ng isa nilang kaibigan sa naturang lugar at habang nagkakasayahan ang grupo ay bigla na lamang umanong tumayo at ipinagyabang ni Jarol ang kanyang itinatagong anting-anting na ang bisa nito ay hindi siya tinatablan ng bala.

Sa pagkakataong ito ay bigla ring tumayo si Lubin at inilabas ang umano’y kanyang anting-anting. Tumindi ang yabangan ng dalawa hanggang sa magkaroon ng pagtatalo at nauwi upang kapwa maglabas ng patalim at nag-duwelo ang mga ito.

Kapwa nagtamo ng mga saksak sa katawan ang dalawa at kapwa rin hindi na umabot nang buhay sa pagamutan. Patunay umano na hindi sila nailigtas ng mga taglay nilang anting-anting. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALFREDO JAROL

ANTING

CRISPIN LUBIN

DAHILAN

GEMMA AMARGO

JAROL

KAPWA

KAUNLARAN VILLAGE

LUBIN

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with