^

Metro

May-ari ng QC Manor Hotel nagpiyansa

-
Naglagak ng piyansa kahapon ang may-ari at incorporators ng nasunog na Quezon City Manor Hotel ng halagang P10,000 cash bond sa QC Metropolitan Trial Court upang maiwasan ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kanila.

Ang mga nagpiyansa ay kinabibilangan ng mag-asawang William at Rebecca Genato, Porfirio Germina, Marlon Fernandez, Dionisio Cua Arengino at Antonio Beltran. Ang kaso ay nakatakdang i-raffle sa Lunes.

Bukod sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at serious physical injuries, nahaharap din sa kasong 19 counts ng slight physical injuries ang mga akusado.

Inirekomenda ni Asst. City Prosecutor Alfredo Agcaoili ang pagsasampa ng kaso sa QCMTC matapos na may makita siyang probable cause laban sa mga respondents.

Isinampa ng Bureau of Fire Protection at ng Central Police District ang kaso matapos na mapatunayang lumabag ang mga may-ari at incorporators nito sa Fire Code.

Matatandaan na umaabot sa 75 katao ang namatay at 19 ang nasugatan matapos na masunog ang QC Manor Hotel noong Agosto 18 sa Kamias QC. (Ulat ni Doris Franche)

ANTONIO BELTRAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CENTRAL POLICE DISTRICT

CITY PROSECUTOR ALFREDO AGCAOILI

DIONISIO CUA ARENGINO

DORIS FRANCHE

FIRE CODE

MANOR HOTEL

MARLON FERNANDEZ

METROPOLITAN TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with