Chinese national hinatulan ng bitay dahil sa 3 kilo ng shabu
September 29, 2001 | 12:00am
Hinatulan kahapon ng Manila Regional Trial Court ng parusang kamatayan ang isang dayuhang Intsik matapos mahulihan ng tatlong kilo ng shabu noong 1998.
Bukod sa parusang bitay inatasan din ng korte ang akusadong si William Ching, 37, alyas Willy, tubong Amoy, China na magbayad ng kabuuang halagang P3 milyon bilang multa.
Lumitaw sa rekord ng korte na noong Oktubre 19, 1998 ay nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Narcotics Group na nais ng akusado na maibenta ang mahigit sa tatlong kilo ng shabu sa halagang P2.1 milyon.
Kaagad namang kumilos ang mga awtoridad at isinagawa ang buy-bust operation.
Dakong alas-12 hanggang ala-1 ng hapon ng maganap ang umanoy bilihan makaraang hilingin ng akusado na makita ang kabayaran sa dala-dala nitong shabu na nakalagay sa tatlong magkakahiwalay na plastic.
Sa loob ng isang FX van na nakaparada sa isang gasolinahan sa San Fernando St. ay nakumbinsi ang akusado na doon magkaabutan.
Nang makuha na ng akusado ang marked money ay nagsulputan na ang mga ahente ng Narcotics Group.
Hindi pinaniniwalaan ng korte ang ginawang pagtetsigo ng pitong pamangkin ng akusado na nagsabing nasa kanilang bahay ang kanilang tiyuhin ng maganap ang sinasabing buy-bust operation. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest