Pasyente tumalon mula sa ika-7 palapag ng pagamutan, patay
September 28, 2001 | 12:00am
Basag ang bungo ng isang 26-anyos na lalake makaraang tumalon sa ika-pitong palapag ng East Avenue Medical Center, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Nakilala ang nasawi na si Rafael Robillos, ng 77 Kalayaan Ext., Barangay Batasan Hills, Quezon sanhi ng pagkabasag ng bungo nito at pagkabali ng kanyang mga buto.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Central Police District- Criminal Investigation Unit dakong alas- 5:15 ng hapon ng maganap ang insidente sa nasabing pagamutan.
Ayon sa ulat, ang nasawi ay dinala sa naturang pagamutan ng kanyang kapatid na si Lydia Reyes sanhi umano ng madalas na pagsakit ng dibdib.
Ngunit habang tinitingnan ng doktor ay bigla na lamang itong nagpumiglas at nagwala.
Mabilis itong umakyat sa ika-pitong palapag ng gusali at nagtungo sa bintana.
Hanggang nataranta ang mga pasyente at mga doktor dahil sa akmang lulundag na ito kung kayat sinubukan ng ilang mga manggagamot at nurse na kumbinsihin ito, ngunit naging bingi ang biktima at walang sabi-sabi itong tumalon.
Hinihinalang hindi na makayanan ng biktima ang kanyang karamdaman kung kayat minabuti na lamang nito na tapusin na lamang ang kanyang buhay. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am