^

Metro

Hatol na bitay sa ama na humalay sa 4 anyos na anak

-
Parusang kamatayan ang inihatol ng Mandaluyong City Regional Trial Court laban sa isang ama na humalay sa kanyang 4-anyos na anak, tatlong taon na ang nakakalipas.

Sa 16-pahinang desisyon ni Judge Amelia Dy ng RTC Branch 213, hinatulan nito ng bitay ang akusadong si Rolando Almonicar, 41, ng 31 Oliveros St., Brgy. Daang Ibaba, Mandaluyong City.

Bukod dito, inatasan rin ng korte ang akusado na magbayad ng P160,000 danyos sa biktima na itinago na lamang sa pangalang Lenlen.

Sa rekord ng korte, nabatid na naganap ang panghahalay ng suspect sa kanyang anak noong nakalipas na Abril 1999 sa loob mismo ng kanilang tinitirhang bahay.

Ayon sa ina ng biktima, nagkasakit umano ang nakababata nilang anak noong Abril 11 at na-confine ito sa Mandaluyong City Medical Center hanggang Abril 14, 1999 kung saan naiwan sa pangangalaga ng akusado ang biktima.

Nang makalabas sila sa pagamutan noong Abril 15 at naabutan niya na may dinaramdam ang biktima na noon ay 4-anyos pa lamang at ng ito ay kanyang paliguan ay dumaing na may masakit sa ari.

Nang tanungin ng ina ang bata ay naikuwento nito nang pautal-utal ang ginawa ng ama.

Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang alegasyon ng akusado na wala siya sa kanilang bahay ng mga araw na nabanggit matapos na isang pamangkin din nito ang tumestigo laban sa kanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABRIL

DAANG IBABA

DANILO GARCIA

JUDGE AMELIA DY

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MANDALUYONG CITY REGIONAL TRIAL COURT

NANG

OLIVEROS ST.

ROLANDO ALMONICAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with