OCW inabandona ni misis, nagbigti
September 26, 2001 | 12:00am
Isang bagong uwing Overseas Contract Worker (OCW) na hindi na makaya ang kalungkutan matapos abandonahin ng kanyang misis ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Natagpuan dakong alas-6 ng umaga na nakabigti sa kisame ng kanilang bahay ang OCW na nakilalang si Enrique Pagad, 37, ng Asuzena St., Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa pulisya, kauuwi pa lamang pa lamang ni Enrique matapos magtrabaho ng dalawang taon sa Saudi Arabia.
Bago ito umalis ay dinala niya ang kanyang pamilya, ang asawa at 10-anyos na gulang na anak sa Zamboanga City bago tuluyang tumulak patungo sa Dhamam, Saudi Arabia.
Matapos itong bumalik sa bansa may dalawang buwan na ang nakakalipas ay nadiskubre nitong nakisama sa ibang lalaki ang kanyang misis na dito nagkaroon pa ng isang anak.
Bagamat ganoon ang naging kapalaran ay hindi nito kinompronta ang kanyang asawa at sinolo ang nararamdamang sakit.
Dahil dito, napansin na ang pagiging malungkutin ng OCW at lagi itong nakikitang nag-iinom ng alak na mag-isa, gayunman walang nag-isip na ito ay magpapatiwakal.
Isang suicide note ang natagpuan sa tabi ng nasawi na dito nakasaad ang mga katagang: "Inay patawarin mo ako, pagod na ako."
Samantala, sa isa pang insidente, nagpatiwakal din sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang selda sa Mandaluyong City jail ang presong nakilalang si Joseph Parilla, 28, dahil umano sa sobrang depresyon din sa hindi pagdalaw sa kanya ng kanyang mga ka-pamilya.
Nabatid na nakulong si Parilla noong Agosto 28 at mula nang ito ay mapiit ay hindi umano nadadalaw ng kanyang mga kaanak.
Sinabi naman ng ina ni Parilla na dati umanong pasyente ang kanyang anak sa Mental Hospital noong taong 1995 at maaaring sinumpong na naman ito ng dating sakit sa pag-iisip. (Ulat nina Gemma Amargo at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended