^

Metro

Misis dedo, anak grabe sa 'killer bus'

-
Basag ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang ina, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang 10-buwang gulang na karga niyang sanggol makaraang mabangga ang mga ito ng isang rumaragasang pampasaherong bus, kamakalawa ng gabi sa lungsod Quezon.

Nakilala ang nasawing ginang na si Jennifer Tagacay, ng 145 Int. II Parkway St., Tomas Morato Avenue, ng nasabing lungsod. Halos mabiyak ang bungo nito at nagkabali-bali ang buto sa lakas ng pagtilapon matapos mabangga.

Samantala, kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa Delgado Hospital ang anak nitong si Atila na tumilapon makaraang mabitiwan ng kanyang ina.

Base sa ulat, naganap ang trahedya dakong alas-8:30 ng gabi sa kanto ng E. Rodriguez at Tomas Morato sa Quezon City.

Papatawid umano ang mag-ina nang biglang sumulpot ang rumaragasang Viron Transit na may plakang AVB-910 na minamaneho ni Ray Seranilla, 32, at nabangga ang mag-ina.

Nagtangka pang tumakas ang suspect subalit napigilan siya ng mga nakasaksi sa insidente. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ATILA

DELGADO HOSPITAL

JENNIFER TAGACAY

JHAY MEJIAS

PARKWAY ST.

QUEZON CITY

RAY SERANILLA

TOMAS MORATO

TOMAS MORATO AVENUE

VIRON TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with