^

Metro

2 helper binoga ng naiinggit na kasamahan

-
Dalawang binatang helper ang iniulat na nasawi matapos na paputukan ng baril ng kanilang kasamahan matapos na magselos ang huli dahil sa mas espesyal na pagtingin ng kanilang amo sa dalawa sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Mariolito dela Cruz, 19, ng 355 P. Herrera St., Tondo Manila dahil sa tinamong tama ng baril sa batok, habang idineklara namang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang isa pang biktima na si Ariel Capo-guian, 18, ng Purok 3 Dulo Isla Laki, Puting Bato, Tondo bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspect na nakilalang si Randy Lopega, 27, tubong Samar, na kasamahan ng dalawang biktima sa trabaho.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa tindahan ng kanilang among si Nilfa Tahup sa Asuncion Market sa Divisoria, Tondo, Manila.

Nauna rito, kasalukuyang abala ang mga biktima sa pag-aayos ng kanilang paninda habang kasagsagan naman ng pagdagsa ng kalakal ng gabing iyon sa Divisoria para sa night market.

Bigla na lamang lumapit sa dalawa ang suspect at kinompronta. Nagkaroon muna ng pagtatalo hanggang sa marinig ang sunud-sunod na putok ng baril.

Hinihinala ng pulisya na inggit ang nag-udyok sa suspect para magalit sa kanyang mga kasamahan dahil sa akala nitong mas malapit ang dalawa sa kanilang amo. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARIEL CAPO

ASUNCION MARKET

DIVISORIA

DULO ISLA LAKI

ELLEN FERNANDO

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL CENTER

HERRERA ST.

NILFA TAHUP

PUTING BATO

RANDY LOPEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with