Ayon kay P/Supt. Pablo Balagtas, hepe ng BTPU, ang suspect ay kinilalang si Sharon Kay Reyes, isang freelance entertainer, ng No. 3 Leveriza St., Pasay City.
Nang iharap ang suspect sa kanyang biktimang si Minuro Shoda, isang Japanese national, pansamantalang nanunuluyan sa Heritage Hotel sa nasabing lungsod ay positibo nitong itinuro ang una.
Nabatid kay Balagtas na nakipag-kaibigan umano ang suspect sa isang interpreter na si Jocelyn Layusa na tourist guide naman ng biktima.
Ayon kay Layusa, tinanong umano ng suspect kung interesadong magkaroon ng isang private entertainer ang nasabing Hapon sa loob ng kuwarto nito sa hotel. Pumayag umano si Shoda at sabay silang tatlo na pumasok sa hotel.
Dahil sa tamis nang pananalita ni Reyes ay nakumbinsi rin ang biktima na magpapalit muna ng yen ang suspect sa isang money changer bago simulan ang kanyang show.
Matapos na makuha ng suspect ang nasabing halaga ay hindi na umano bumalik pa ito.
Agad na inireport ang nasabing insidente at sa pagtitiyaga ng mga operatiba ng BTPU na magmanman sa NAIA ay namataan ang suspect na muling nag-aabang ng kanyang mabibiktima kasunod ng kanyang pagkakaaresto.(Ulat ni Butch Quejada).