^

Metro

Entertainer inaresto sa NAIA

-
Isang Pinay entertainer ang dinakip kahapon ng mga kagawad ng Balikbayan Tourist Protection Unit (BTPU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos nitong lokohin umano ang isang turistang Hapon ng 10,000 yen.

Ayon kay P/Supt. Pablo Balagtas, hepe ng BTPU, ang suspect ay kinilalang si Sharon Kay Reyes, isang freelance entertainer, ng No. 3 Leveriza St., Pasay City.

Nang iharap ang suspect sa kanyang biktimang si Minuro Shoda, isang Japanese national, pansamantalang nanunuluyan sa Heritage Hotel sa nasabing lungsod ay positibo nitong itinuro ang una.

Nabatid kay Balagtas na nakipag-kaibigan umano ang suspect sa isang interpreter na si Jocelyn Layusa na tourist guide naman ng biktima.

Ayon kay Layusa, tinanong umano ng suspect kung interesadong magkaroon ng isang ‘private entertainer’ ang nasabing Hapon sa loob ng kuwarto nito sa hotel. Pumayag umano si Shoda at sabay silang tatlo na pumasok sa hotel.

Dahil sa tamis nang pananalita ni Reyes ay nakumbinsi rin ang biktima na magpapalit muna ng yen ang suspect sa isang money changer bago simulan ang kanyang show.

Matapos na makuha ng suspect ang nasabing halaga ay hindi na umano bumalik pa ito.

Agad na inireport ang nasabing insidente at sa pagtitiyaga ng mga operatiba ng BTPU na magmanman sa NAIA ay namataan ang suspect na muling nag-aabang ng kanyang mabibiktima kasunod ng kanyang pagkakaaresto.(Ulat ni Butch Quejada).

AYON

BALIKBAYAN TOURIST PROTECTION UNIT

BUTCH QUEJADA

HAPON

HERITAGE HOTEL

ISANG

ISANG PINAY

JOCELYN LAYUSA

LEVERIZA ST.

MINURO SHODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with